Dalampasigan - Charles Candelario Lyrics
- Charles Candelario
- Dec 2, 2017
- 1 min read

Title: Dalampasigan Lyrics: Charles Candelario Music: Charles Candelario
Intro:
Chorus: Kung ako ang papipiliin, sanay wag ng umalis sa aking piling Pagkat di ko kakayanin, ang mag-isa ng wala ka sa akin
V1: Nakapikit sa tabi ng dalampasigan iniisip ka Inaalala ang masasayang sandali ng kapiling ka Ngunit wala na puro mapait na lang ang ala-ala Ayoko ng ganito nagsasawa na ako
V2: Unti-unting bumubuhos ang luha, sa aking mga mata Na tila nagsasabi na mahal pa rin kita Meron pa bang darating upang pahirin ang aking mata At magsasabi na mahal pa rin kita……
Chorus: Kung ako ang papipiliin, sanay wag ng umalis sa aking piling Pagkat di ko kakayanin, ang mag-isa ng wala ka sa akin
V3: Oras na, palubog na ang araw Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin sa dalampasigan Nandito pa rin ako, naghihintay lamang sa iyo Makikita kaya sa tamang panahon…….
Chorus: Kung ako ang papipiliin, sanay wag ng umalis sa aking piling Pagkat di ko kakayanin, ang mag-isa ng wala ka sa akin
Instrumental:
Chorus 2x: Kung ako ang papipiliin, sanay wag ng umalis sa aking piling Pagkat di ko kakayanin, ang mag-isa ng wala ka sa akin
Nakapikit lumuluha iniisip ka sa dalampasigan
Comments